Prologue
Pagkatapos ng ilang milyong
taong paglaban ng kabutihan sa kasamaan, sa wakas ay natapos din ito. Salamat
sa pitong matatapang na hari na nakipaglaban upang protektahan ang sangkatauhan
- sina Eli, Orzek, Aku, Trias, Azure, Ren, at Houji. Dahil sa kanilang
ipinakitang kagitingan, ang Light Council ay nakapagdesisyong bigyan ang mga
bayani ng gantimpala - ito ay ang malayang pagpili ng kapangyarihan.
Tumayo ang pinuno ng Light
Council na si Nagiya sa harap ng pitong hari at itinaas ang kanyang espana.
"Simula sa araw na ito, kayong pito ay hindi na magiging hari sa mundo ng
mga tao. Sa halip, kayo'y binibigyan ko ng karapatang mamuno sa mahiwagang
bahagi ng mundo. Ngayon, kasabay nito, nais kong isulat ninyo sa talisman na
ito ang kapangyarihang gusto niyong makamit ng panghabangbuhay."
Gamit ng kanyang
kapangyarihan, ipinalipad ni Nagiya ang mga talisman at panulat patungo sa mga
kamay ng pitong hari.
"May tanong lang po
ako, Master Nagiya." sabi ni Haring Aku.
"Ano ang iyong gustong
malaman, Aku?"
"Halimbawa ay gustong
kong makamit ang kapangyarihan ng katalinuhan at isinulat ko ito sa talisman na
ibinigay mo. Pagkatapos, ano na ang mangyayari? Ang ibig sabihin ba nito ay
magiging matalino lang ako habang buhay at... yun lang?"
Napangiti si Nagiya sa
tanong ni Aku. "Magaling, Aku. Akala ko'y wala ng magtatanong sakin ng
bagay na iyan. Salamat. Ang kapangyarihang gusto niyo ay mapapasa-inyo kagaya
ng sabi ko. At kapag nakamit niyo na ito, kailangan niyong magtayo ng templo at
kikilalanin kayo ng mga tao bilang kanilang mga gabay. Halimbawa, nakamit na ni
Aku ang kapangyarihan ng katalinuhan, at nakapagtayo na din siya ng isang
magandang templo. Dahil dito, ang mga taong nangangailangan ng patnubay at
gabay patungkol sa kaalaman ay hihingi ng tulong sa iyo. Pakinggan mo lang ang
kanilang hiling at ito'y magkakatotoo. Ang kapalit, kapag mas marami kayong
natutulungang tao, mas mapapanatili natin ang kapayapaan sa parehong
mundo."
"Mag-isa lang ba kami
sa aming magiging templo? Mukhang malungkot naman yata ng buhay namin
doon." sabi ni Haring Eli.
"Dahil kayo'y tatawagin
ng mga Magi ng kasalukuyang panahon, kailangan niyo din ng nilalang na
poprotekta sa inyong templo. At kung sino man yun, nasa inyo na ang desisyon.
Ngayon, tapos na ba kayo sa pagsulat sa talisman?"
Tumango lang ang pitong
hari.
"Ngayon, tunay na
kayong matatawag na Magi. Sana'y gabayan at protektahan niyo ng maayos ang
mundo ng mga tao." habilin ni Nagiya.
Isa-isang nagsilaho ang
pitong hari at napunta ang mga ito sa kani-kanilang mga templo.
Si Eli ay nakamit na ang
kapangyarihang ibigay ang kagandahan sa mga nilalang. Lakas naman ang kay
Orzek. Katalinuhan ang kay Aku, kayamanan ang kay Trias, tagumpay ang kay
Azure, kapayapaan ang kay Ren, at ang huli ay si Houji na kapangyarihan ng mga
salita ang tinataglay.
200 years later... 2014
Dahil sa gabay at proteksyon
ng pitong magi, namuhay ng mapayapa ang mundo ng mga tao at mahiwagang mga
nilalang. Ngunit, dahil din sa kapayapaang ito,
unti-unting may namumuong kasamaan sa ilang sulok ng mundo - sa ilang
bahaging natatakpan ng kadiliman ang mga puso.
Taon ang lumipas at parami
ng parami ang napupunta sa masama at dahil dito, itinayo ng mga tao ang isang
maitim na templo, at dito na nabuhay si Urd - ang nilalang na nabuo sa masamang
puso at mamumuno sa lahat ng kasamaan sa mundo.
"Ahh! Bakit ganito ang
ginagawa ng mga tao? Mali ba ang paggabay natin sa kanila?!" inis na
tanong ni Orzek sa mga kasama.
"Pakiusap, huminahon ka
lang, Orzek." mahinahong paalala sa kanya ni Ren.
"Tsk. Ganito na ang
nangyayari ngayon pero mahinahon ka pa din diyan?! Wala ka bang ibang alam
gawin kundi ang sabihan ako na huminahon ha?!" sagot ni Orzek.
Napakuom ng kamay si Ren sa
mga narinig, "Pinipigilan ko lang din ang galit ko, Orzek, dahil kapag
nagpadala tayo sa mga emosyon natin sa pagkakataong ito, maglalaban lang tayo
at hindi natin mabibigyan ng solusyon ang problemang ito."
Natahimik lang si Orzek ng
ilang saglit. "Huh. Oo na. Pasensiya. Oi! Kayo diyan. Wala man lang ba
kayong sasabihin, ha, Eli, Aku, Trias, Houji at Azure?"
"Sa tingin ko, hindi
natin dapat sisihin ang mga tao sa nangyayaring ito."
"Anong ibig mong
sabihin, Houji?" tanong ni Azure.
"Tao din tayo bago
naging Magi kaya naman alam kong alam ninyo ang ibig kong sabihin. Mga tao lang
sila, at ang puso ng mga tao ay mapurol. Kahit anong gabay natin sa kanila,
kapag sila'y di rin naniniwala sa kabutihang meron sila, balang araw, makakain
din sila ng kasamaan. Kaya naman... huwag natin silang parusahan at pabayaan.
Patuloy pa din natin silang gabayan gaya ng dati." paliwanag ni Houji.
"Pero makakaya ba natin
na tayo lang? Kahit baliktarin man natin ang sitwasyon, kailangan pa din nating
lumaban. Kakayanin ba nating gabayan sila habang nilalabanan ang
kasamaan?" tanong ni Eli.
"Malaki ang maitutulong
ng mga guardian natin pero... alam kong hindi pa din sapat iyon. May
pusibilidad na, matalo tayo sa pagkakataong ito." sagot ni Trias.
"Tama ka diyan, Trias.
Kaya naman... naisip kong kailangan na nating maghanap ng pagmamasahan natin ng
kapangyarihan." seryosong sabi ni Aku.
"Pero bakit, Aku?"
tanong ni Azure.
"Hindi niyo ba
napapansing nanghihina na ang mga kapangyarihan natin? Dalawang daang taon na
tayo nagsisilbing gabay sa mga tao sa mundong ito, kahit na sabihin pa nating
panghabang buhay nga ang ating mga kapangyarihan, ang katawan nati'y mapapagod
din balang araw. Gaya ng sabi ni Houji, tao din tayo noon, at kapag mas malakas
ang kapangyarihan natin kesa sa ating katawan, mamamatay tayo at mananaig na sa
pagkakataong ito ang kasamaan. Alam kong masakit pero yun ang katotohanan. At
ito lang ang naiisip kong paraan para mailigtas ang sangkatauhan."
paliwanag ni Aku.
Sa ilang sandali ay
nanahimik silang pito hanggang sa itinaas ni Houji ang kanyang kamay.
"Sumasang-ayon ako sa
sinabi ni Aku. Bukas na bukas din, maghahanap na ako ng papalit sa akin."
sabi ni Houji at napangiti lang ang mga kasamahan niya sa kanya.
Dito, sumang-ayon na silang
lahat sa paghahanap ng susunod na kanilang tagapagmana. At dito na din
magsisimula ang bagong kwento ng kasalukuyang mundo.
Chapter One
The Kiss that changed her Fate
Kalahating taon na naghahanap ng taong karapat-dapat sa kanyang
kapangyarihan si Houji pero wala pa rin. Kadalasan, ang mga taong
nakakasalamuha niya ay puro sarili lamang ang alam intindihin. Malapit na
siyang mawalan ng pag-asa ng sa ika-anim na bwan ng kanyang paghahanap,
napadpad siya sa isang mataong lugar at nagpanggap na isang pulubi sa daan.
Dahil sa kanyang hindi kaaya-ayang anyo, karamihan sa kanyang hinihingan ng
tulong ay sinusungitan siya. Ang pinakamalala pa, humantong ito sa puntong
sinasaktan na siya. Kung gugustuhin niya, matatalo niya sa isang tira lang ang
lahat ng taong nandito pero hindi pwede. Kailangan niyang tiisin ang lahat ng
ito para mahanap na ang tamang taong papalit sa kanyang pamumuno.
Kasalukuyan siyang nakapaligo sa kanyang sariling dugo habang sinisipa ng
mga kalalakihan ang kanyang sikmura. Napakuom siya ng kamay at halos gamitin na
ang kanyang kapangyarihan ng biglang tumigil ang mga kalalakihan sa pagbugbog
sa kanya at napalingon sa kanilang likuran. Isang dalagang babae ang matapang
na humarap sa kanila.
"Hoy! Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa kanya ha? Grabe! Di na
kayo naawa!" sigaw ng dalaga habang nakaturo ang daliri sa mga lalaki.
"At sino ka din ba sa tingin mo para hamunin kami ha?!"
"Ha? Eh pinagsasabihan ko lang naman kayo ah! Hindi ako naghahanap ng
away noh. Haha...ha... lagot..." halata sa mga tuhod ng dalaga ang
panginginig niya dahil sa takot.
"Hah. Akala mo ba palalampasin namin ang ginawa mo? Humanda ka!"
nagsitakbuhan ang tatlong lalake papunta sa dalaga. Napaastras ito at sumigaw
ng napakalakas.
"UWAAAAAH!!!! TULOOONG!!! PULIIIIS!!! MAY MGA HOLDAPER DITO!
UWAAAAH!!!"
"Hoy! Ano ba - "
*police siren*
"Tsk. Sibat na!" Nagsitakbuhan na sila papalayo sa lugar na iyon.
"Lagot ka sa'min sa susunod, babae ka!"
"Heh... effective pala 'tong police siren na ringtone, eh. Nabasa ko
lang to pero infaireness!" Biglang natauhan at nilapitan ang sugatang
pulubi na si Houji. "Ayos lang po ba kayo?" tanong niya at agad na
pinunasan ang mga sugat ni Houji gamit ng kanyang panyo.
"Ayos lang ako." pinigilan niya ang kamay ng dalaga, "Kaya
naman hindi mo na kailangang gamitin ang panyo mo sa mga sugat ko. Sayang
naman... mukhang mamahalin."
"Haha.. ano ba naman kayo, manong. Hindi mamahalin 'to noh. Bigay to
ng mama ko na namatay na. Hehe..."
"Kung ganun, mas may dahilan kang itago yan di ba?"
"Tama po. Pero... kung mawala man 'to dahil sa pagtulong ko sa inyo,
ayos lang din. Alam kong hindi magagalit ang mama ko sa langit. Kaya hayaan
niyo na po akong pigilan ang pagdurugo ng mga sugat niyo. Sasamahan ko na din
kayo sa ospital."
"Pero... isa lang akong pulubi. Wala akong perang panggastos sa
ospital."
"Naku, okay lang po. Kakasweldo ko lang sa part time job ko kaya ako
na po ang bahala." ngumiti lang ang dalaga sa kanya at kalaunay tinulungan
ng makatayo at sinamahan na sa ospital at pinagamot.
"Hija, maraming salamat sa pagtulong mo. Kahit na ganito ang itsura
ko... hindi ka pa ring nag-alangang tulungan ako."
"Wala pong anuman. At saka, hindi naman basehan ang itsura ng isang
tao para makatanggap ng tulong galing sa iba. Sumusobra na kasi ang mga
lalaking yun! Hindi na sila naawa sa inyo. Hmp!"
"Kung ganun... naniniwala ka pang may mga tao pang mabubuti sa mundong
'to kahit na... marami ng masasamang nangyari?"
"Hm? Siyempre naman po. Haha, naniniwala po kasi akong mabubuti ang
mga tao mula noong isinilang sila. Kaya lang, dahil sa environment na
kinalakihan nila, hindi maitatangging pwede silang maging masama. Parang tabula
rasa...? Hehe.. ay pasensiya na po ah.
Nag-rereview kasi ako ngayon para sa exams namin eh. Hehehe.. pasensiya na po
talaga."
"Ang talino mo naman... ah.."
"Ay! Ako nga po pala si Narumi. Narumi Fujioka. Hehe, at hindi po ako
matalino. Ang totoo po niyan, puro pasang awa lang ang mga grades ko.
Hahaha..."
Palihim lang na ngumiti si Houji habang nagkukwento si Narumi tungkol sa
mga nangyari sa kanya. Interesado siya sa babaeng ito kaya naman, nagdesisyon
na siyang bantayan si Narumi.
Matapos ihatid ni Narumi si Houji sa kunwaring bahay niya sa gilid ng
kalsada, umuwi na ito sa kanyang tinutuluyang apartment. Di niya alam na
sinusundan na siya ni Houji bilang isang paru-paru.
Nagtagal ang pagmamatyag ni Houji kay Narumi ng halos dalawang buwan, at sa
bawat araw na nakikilala niya ang dalagang ito, napapangiti lang siya. Siya na
ang hinahanap niya. Si Narumi na ang kanyang tagapagmana.
*****
NARUMI
*****
"Narumi..." he leaned towards my face and planted a sweet kiss on
my forehead, "Simula sa araw na ito, taglay mo na ang kapangyarihan
ko." He smiled and suddenly faded like ashes in the wind.
Uwaaah! Pambihira! Dahil sa weird na panaginip na 'yun kagabe, hindi na ako
nakabalik pa sa pagtulog!!! Nakakainis naman eh. Psh. Tigilan ko na kaya muna
ang panonood ng anime? Haay....
*beeeeep* beeep* beeeeep*
"Hoy!" may kamay na sumulpot mula sa gilid ko at bigla akong
hinila papunta sa gilid ng kalsada. "May plano ka bang magpakamatay
ha?!"
"Eh? Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko sa lalaking nagligtas
sa akin. Naku naman! Ang gwapo ng nilalang na ito!
"Tsk. Ganyan ka ba kapurol yang utak mo at hindi mo na alam ang
ginagawa mo ha?"
Psh. Gwapo nga suplado naman! Di bale na! Crush na sana kita eh! Hmp!
"Pasensiya na din ha. Pero magtatanong ba ako sa'yo kung alam ko ang
nangyari sa'kin?"
"Hah. Sa sobrang tanga mo kasi nagawa mong maglakad sa gitna ng
kalsada. Kanina ka pa pinag-uusapan ng mga estudyante pero parang bale wala
lang sa'yo. Walang hiya ka ba talaga ha?"
"Ha?! Haay... may iniisip lang kasi ako." Psh. Nakakainis naman
oh! Nawawala na ba ako sa sarili..?
"Pfft. You're weird." ngumiti siya. Pang-asar na ngiti pero
ngumiti siya. At - hay! Ba’t ba kasi ang gwapo niya?! “O siya. Tutal ligtas ka
naman, aalis na ako. At pakiusap lang, huwag mo ng ipakita ang pagmumukha mong
yan sakin. Sige!” at nagsimula na siyang maglakad papalayo sa’kin.
Naku! Hindi pa pala ako nakapagpapasalamat sa ginawa niya. “Hm, salamat sa
tulong.” sabi ko sa hangin at naglakad na din papasok sa school ko.
Nang naka-upo na ako sa upuan ko sa tabi ng bintana, lumitaw na naman ang
blue butterfly na ito sa isang puno malapit sa kinaroroonan ko. At gaya ng
parati kong ginagawa, nginingitian ko ito. Ewan ko ba... kapag nakakakita akong
ganun, nagiging masaya ako.
“Okay, class. Before we start our proper lesson, let me introduce your new
classmate for this year.”
May pumasok na isang lalaki sa classroom at biglang napatili ang mga babae
habang nainis naman ang mga lalaki. Pinagmasdan ko siyang mabuti at -
HAAAAAAA?! Siya yung....
Sinabihan siyang maupo sa bakanteng upuan ng professor namin. Ang bakanteng
upuan natitira..? Sa tabi ko lang naman. Nang nakaupo na siya, agad niya akong
binalingin ng naiinis na tingin.
“Sinabi ko na sayo kaninang huwag ng ipakita sakin ang mukha mong yan, di
ba?”
“Pasensiya na ah. Hindi ko naman kasi inaasahan na kaklase pala kita. Ikaw
yung transfer student di ba? Magpa-reschedule ka na lang para di na tayo
magkita.”
“Hmp. Huwag mo nga akong kausapin.” *snob*
“Anong -” Grabe! Siya ‘tong nauna tapos ako pa ang maiitsyapwera?!
Pambihira!!!
Pagkatapos ng first period class, may 30 minutes vacant kaming lahat. At
dahil nauuhaw na ako dahil di ko naman makausap ng maayos ang seatmate ko. Ano
bang pangngalan nun? Haru yata. Hmp. Ewan.
Naglalakad ako sa corridor pabalik ng classroom habang umiinom ng chocolate
drink na binili ko sa vending machine ng may nakita akong isang maliit na
cotton ball na nakadikit sa bintana.
“Sino naman kaya ang nag-iwan nito dito?” kinuha ko ito at tinapon sa
basurahan. Pero - sa halip na pumasok ito sa bunganga ng basurahan, nanatili
itong nakalutang sa ere.
“O... kay...? Haha... ang weird. Sige, kulang lang siguro ako sa tulog.
Makaalis na nga.”
*squeal* “Narumi! Narumi! Narumi!”
“Eh?! Sinong tumatawag sa’kin?! Wala namang tao dito ah...? Hala....
nababaliw na ba ako..?”
*squeal* “Narumi! Narumi! Narumi!”
Ang lumulutang na cotton ball ay biglang lumitaw sa harap ko.
“Waaah?!” Ang cute na cotton ball ay biglang nagkaroon ng mahahabang pangil
at mapupulang mata -?!
*squeal* “Narumi! Narumi! Pwede ba kitang kainin?” Pwede ba kitang kainin?”
“Ha?!” Bakit ba niya ako tinatanong?!
Tumakbo ako ng mabilis papalayo sa kanya pero palagi niya na lang ako
nahahabol.
*squeal* “Pwede ba kitang kainin? Pwede ba kitang kainin?”
At bakit paulit-ulit siyang nagtatanong sa’kin ng ganito?! Ano ba siya?!!!
Sa pagtakbo ko, nakaabot na ako sa rooftop ng building namin - at dead end
na?!
*squeal* “Narumi! Narumi! Narumi!”
Habang lumalapit siya sa’kin, mas lumalaki ang kanyang bunganga.
Kitang-kita ang kanyang paglalaway sa’kin bilang pagkain niya.
“Whaaa! LUMAYO KAAAAA!!!!”
*squeak*
Ang cotton ball monster na iyon ay biglang lumayo sa’kin pagkatapos ko
siyang sigawan at isang bula ang biglang pumulupot sa kanya. Pero sana di ko na
inisip na natakot siya dahil mas mukha siyang galit ngayon sa ginawa ko. Eh ano
ba ang ginawa ko...?
May itim na usok na lumalabas mula sa katawan niya. At kung dati ay maliit
lang siyang may pangil at mapulang mga mata, ngayon ay mas lumalaki pa siya.
Makalipas ng ilang sigundo, kasing laki na siya ng kalahati ng 8-story building
ng school at nabasag na ang crystal na bulang nakapalibot sa kanya.
Teka lang... *sinampal ang
sarili*
“Awwtsuu..! Totoo nga. Hindi ako nananaginip?!”
Eh? Eh? Eh?!!!!
*deep loud voice* “Narumi. Narumi. Kakainin na kita!”
“Ha?! Hindi pwede! Masyado pa akong bata para mamatay! Second year college
pa lang ako! Kaka-18 ko lang last month,
at saka... at saka.... wala pa akong boyfriend kaya hindi pwede!!!”
“Hahaha.... ‘yan lang ang dahilan mo kaya ayaw mong mamatay? You’re really
weird.”
“Eh - Haru?” nakatayo lang siya ngayon sa isa sa apat na posteng
nakapaligid sa rooftop. “Hoy! Bumaba ka diyan! Baka malaglag -”
Tumalon siya mula sa mataas na posteng yun na hindi man lang nasasaktan ang
kanyang binti. May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman habang nakaharap na
halimaw na cotton ball.
“Nagpakita lang din ang halimaw na ‘to sa’yo, hindi na ako magpipigil.”
“Magpipigil?” nagpalabas siya ng isang dahon mula sa bulsa niya at idinikit
ito sa noo ng halimaw na cotton ball. “Whaaa?! Sa tingin mo ba matatalo siya ng
maliit na dahong yan? Baliw ka ba?”
“Tsk. Ang daldal mo talaga. Kailan ka ba tatahimik ha?” binalingan niya na
naman ako ng masamang tangin. Naku! Kung di ka lang gwapo snob ka na sa’kin!
Tinignan niya ang halimaw at nagsulat ng isang salita sa hangin. SLAY.
Pagkatapos niya itong gawin, nahati sa dalawa ang katawan ng cotton ball
monster.
*poof* Nawala na lang ito na parang bula.
“O ano? Baka gusto mong bawiin ang sinabi mo kanina tungkol sa dahon ko?”
pagmamayabang niya.
“Oo na. Teka, puno ka ba? Ba’t may mga dahon kang dala-dala?”
“Sa hitsura kong ‘to mukha pa akong puno para sa’yo? Marami na talagang
kalawang yang utak mo noh? Tsk. Bakit ba kasi ikaw pa ang pinili ni Houji eh.”
“Eh malay ko bang isa kang punong nasa anyo ng tao? Sa nangyari sa’kin
ngayon lahat yata pusible ng mangyari. At sino ba ang Houji na sinasabi mo
diyan? Wala naman akong kilalang Houji ang pangngalan. Teka... sampalin mo nga
ako pwede?”
“Ha?”
“For confirmity purposes lang. Sinampal ko na ang sarili ko kanina dahil
akala ko panaginip ‘to. Pero hindi eh. Sa kabilang banda baka naman ito na yung
double dream na sinasabi nila? Stressed lang ako kaya ganito ang mga nangyayari
sakin. At ikaw....? Oh yeah. Nananaginip lang nga ako. Impusibleng magkaroon
ako ng ganyan kagwapong kaklase! Tapos -”
*SLAP*
“Araay! Masakit yun ah!” Pambihira! Tinutoo niya talaga ang pagsampal
sa’kin?
“Tapos ka na?” tanong niya. Halatang naiirita na siya sa’kin.
“Meron pa sana. Nakalimutan ko na. Hmp.” Aww... ang sakit pa din eh.
“Sa lakas ng pagkasampal ko sa’yo, sigurado akong kapag tulog ka ngayon,
magigising pati kaluluwa mo. So? Maniniwala ka na bang totoo ito ha?”
“Kung totoo ang halimaw na yun... bakit tayo lang ang nakakakita sa kanya?
I mean, may powers ka kaya nakikita mo siya at natalo dahil sa dahon na dala
mo. Pero... ano naman ang rason kung bakit ako gustong kainin ng halimaw na
yun? Hindi naman ako malaman ah! Puro buto na nga lang ‘tong katawan ko
eh!"
"Hindi naman kasi katawan mo ang habol nila. Ang nasa loob ng katawan
mo ang gusto nilang makuha."
"Ha??! Aanhin nila ang mga bituka ko? Gagawing isaw?!"
"Aixt! Pambihira! Ganyan ka ba talaga ka babaw ha?!" Nagagalit
na naman siya...
"Hindi naman 'to kababawan noh! Realistic lang talaga ako!”
“Realistic? Hah. Eh ito nga ang realidad oh! May mga halimaw na naghahabol
sa’yo dahil diyan sa kapangyarihan na ibinigay ni Houji sa’yo. Siguro nga hindi
mo siya kilala pero wala ka ba talagang kahit anong naalala tungkol sa isang
lalaking hinalikan ka sa noo?”
“Lalaking.... hinalikan ako sa... noo..?” Hmmm... parang meron yata..
pero - “Ah! Meron nga akong naaalala. Pero, panaginip ko yun eh. Hehehe...
don’t tell me na totoong may pumasok sa kwarto ko at hinalikan ako sa noo?
Oh... my....”
“Hay... pero wala na tayong magagawa. Binigyan ka niya ng kapangyarihan
kaya parati ng malalagay sa panganib ang buhay mo.”
“Ha? Paano yan? Kung anuman ang ibinigay niya sakin - hindi ko naman ‘yun
alam gamitin kaya mamamatay lang ako kung sakaling may halimaw na namang
magtatangkang kumain sa’kin di ba?”
“Kaya nga ako nandito eh.”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Ang ibig kong sabihin ay ito.” Nilapitan niya ako at - hinalikan?!
O////___////O Gusto ko man siyang sampalin at bugbugin dahil sa ginawa niya
sa’kin, hindi ko magawang igalaw kahit daliri ko sa kamay.
“Ba... ba....bakit mo naman yun ginawa...?” First kiss ko yun eh...!
“Ang halik na yun ay paraan ng pagkompleto sa kontrata. Kaya huwag kang
kiligin diyan! Hmp. Simula sa araw na ito, ako na ang magiging tagapagbantay
mo, Narumi.”
“Sus. Napipilitan ka lang eh. Hmp.”
“Anong - hay! Oo, napipilitan nga lang ako sa’yo. Kung lalaki lang sana ang
pinagpasahan niya, hindi ko na kailangang mahalikan! Tsk.”
“Uyy,,, kung ganun first kiss mo din ako? Hahaha.”
*death glare* “Shut up.”
First kiss nga niya ako. Hehehe... “Pero kung napipilitan ka lang, bakit mo pa
ginawa ‘yun? Pwede ka namang umayaw di ba?”
“Tama. Pero yun ang kailangan at ang dapat kong gawin kung gusto kong
maging maayos ang mundong ‘to.”
“Ha?” Wala pa talaga akong alam sa mga sinasabi niya tungkol sa mundo.
Ano bang meron..?
“Marami ka pang dapat matutunan tungkol sa lahat, Narumi. Kaya kailangan mo
ng maglipat ng bahay at doon na tumira sa templo kasama namin.”
“Ano?! Hindi pwede -”
“Hm? Ayaw mo? Sayang. Libre pa naman ang lahat.”
Libre?! As in?! “Hahaha, okay-okay! Kailan ako lilipat?”
“Pagkatapos ng klase na’tin.”
“Okay!”
*school bell*
“Tayo na? Magsisimula na ang sunod nating klase.” sabi ko at tumakbo na
papuntang pintuan.
“Isang bagay pa pala.” sabi niya ng nakalapit siya sa’kin ng pababa na kami
ng hagdan.
“Ano yun?”
“Huwag mong hayaang may iba pang makahalik sa’yo.”
Napatigil ako sa sinabi niya, habang siya naman ay patuloy pa din sa
paglalakad.
“Oi! Kung gusto mong magpahuli sa klase, bahala ka.”
“Teka lang!” hinabol ko siya. At buong araw ko na yatang inisip ang tungkol
sa sinabi niya.
“Huwag mong hayaang may iba pang makahalik sa’yo.”
Ano ba ang ibig sabihin nito...?
*****
HOUJI
*****
“Narumi.... sana kayanin mo ang mga haharapin mong pagsubok sa mga darating
na araw ng buhay mo. At sana... mabago mo din ang puso ni Haru. Parati lang
akong nandito at nagmamatyag sa’yo. Mag-iingat ka, Narumi.”