Saturday, May 30, 2015

Kiss of Fate - Unmei no Kisu

 

 

 

Prologue




Pagkatapos ng ilang milyong taong paglaban ng kabutihan sa kasamaan, sa wakas ay natapos din ito. Salamat sa pitong matatapang na hari na nakipaglaban upang protektahan ang sangkatauhan - sina Eli, Orzek, Aku, Trias, Azure, Ren, at Houji. Dahil sa kanilang ipinakitang kagitingan, ang Light Council ay nakapagdesisyong bigyan ang mga bayani ng gantimpala - ito ay ang malayang pagpili ng kapangyarihan.


Tumayo ang pinuno ng Light Council na si Nagiya sa harap ng pitong hari at itinaas ang kanyang espana. "Simula sa araw na ito, kayong pito ay hindi na magiging hari sa mundo ng mga tao. Sa halip, kayo'y binibigyan ko ng karapatang mamuno sa mahiwagang bahagi ng mundo. Ngayon, kasabay nito, nais kong isulat ninyo sa talisman na ito ang kapangyarihang gusto niyong makamit ng panghabangbuhay."

Gamit ng kanyang kapangyarihan, ipinalipad ni Nagiya ang mga talisman at panulat patungo sa mga kamay ng pitong hari.


"May tanong lang po ako, Master Nagiya." sabi ni Haring Aku.


"Ano ang iyong gustong malaman, Aku?"


"Halimbawa ay gustong kong makamit ang kapangyarihan ng katalinuhan at isinulat ko ito sa talisman na ibinigay mo. Pagkatapos, ano na ang mangyayari? Ang ibig sabihin ba nito ay magiging matalino lang ako habang buhay at... yun lang?"


Napangiti si Nagiya sa tanong ni Aku. "Magaling, Aku. Akala ko'y wala ng magtatanong sakin ng bagay na iyan. Salamat. Ang kapangyarihang gusto niyo ay mapapasa-inyo kagaya ng sabi ko. At kapag nakamit niyo na ito, kailangan niyong magtayo ng templo at kikilalanin kayo ng mga tao bilang kanilang mga gabay. Halimbawa, nakamit na ni Aku ang kapangyarihan ng katalinuhan, at nakapagtayo na din siya ng isang magandang templo. Dahil dito, ang mga taong nangangailangan ng patnubay at gabay patungkol sa kaalaman ay hihingi ng tulong sa iyo. Pakinggan mo lang ang kanilang hiling at ito'y magkakatotoo. Ang kapalit, kapag mas marami kayong natutulungang tao, mas mapapanatili natin ang kapayapaan sa parehong mundo."


"Mag-isa lang ba kami sa aming magiging templo? Mukhang malungkot naman yata ng buhay namin doon." sabi ni Haring Eli.


"Dahil kayo'y tatawagin ng mga Magi ng kasalukuyang panahon, kailangan niyo din ng nilalang na poprotekta sa inyong templo. At kung sino man yun, nasa inyo na ang desisyon. Ngayon, tapos na ba kayo sa pagsulat sa talisman?"


Tumango lang ang pitong hari.


"Ngayon, tunay na kayong matatawag na Magi. Sana'y gabayan at protektahan niyo ng maayos ang mundo ng mga tao." habilin ni Nagiya.


Isa-isang nagsilaho ang pitong hari at napunta ang mga ito sa kani-kanilang mga templo.


Si Eli ay nakamit na ang kapangyarihang ibigay ang kagandahan sa mga nilalang. Lakas naman ang kay Orzek. Katalinuhan ang kay Aku, kayamanan ang kay Trias, tagumpay ang kay Azure, kapayapaan ang kay Ren, at ang huli ay si Houji na kapangyarihan ng mga salita ang tinataglay.


200 years later... 2014



Dahil sa gabay at proteksyon ng pitong magi, namuhay ng mapayapa ang mundo ng mga tao at mahiwagang mga nilalang. Ngunit, dahil din sa kapayapaang ito,  unti-unting may namumuong kasamaan sa ilang sulok ng mundo - sa ilang bahaging natatakpan ng kadiliman ang mga puso.


Taon ang lumipas at parami ng parami ang napupunta sa masama at dahil dito, itinayo ng mga tao ang isang maitim na templo, at dito na nabuhay si Urd - ang nilalang na nabuo sa masamang puso at mamumuno sa lahat ng kasamaan sa mundo.


"Ahh! Bakit ganito ang ginagawa ng mga tao? Mali ba ang paggabay natin sa kanila?!" inis na tanong ni Orzek sa mga kasama.


"Pakiusap, huminahon ka lang, Orzek." mahinahong paalala sa kanya ni Ren.


"Tsk. Ganito na ang nangyayari ngayon pero mahinahon ka pa din diyan?! Wala ka bang ibang alam gawin kundi ang sabihan ako na huminahon ha?!" sagot ni Orzek.


Napakuom ng kamay si Ren sa mga narinig, "Pinipigilan ko lang din ang galit ko, Orzek, dahil kapag nagpadala tayo sa mga emosyon natin sa pagkakataong ito, maglalaban lang tayo at hindi natin mabibigyan ng solusyon ang problemang ito."


Natahimik lang si Orzek ng ilang saglit. "Huh. Oo na. Pasensiya. Oi! Kayo diyan. Wala man lang ba kayong sasabihin, ha, Eli, Aku, Trias, Houji at Azure?"


"Sa tingin ko, hindi natin dapat sisihin ang mga tao sa nangyayaring ito."


"Anong ibig mong sabihin, Houji?" tanong ni Azure.


"Tao din tayo bago naging Magi kaya naman alam kong alam ninyo ang ibig kong sabihin. Mga tao lang sila, at ang puso ng mga tao ay mapurol. Kahit anong gabay natin sa kanila, kapag sila'y di rin naniniwala sa kabutihang meron sila, balang araw, makakain din sila ng kasamaan. Kaya naman... huwag natin silang parusahan at pabayaan. Patuloy pa din natin silang gabayan gaya ng dati." paliwanag ni Houji.


"Pero makakaya ba natin na tayo lang? Kahit baliktarin man natin ang sitwasyon, kailangan pa din nating lumaban. Kakayanin ba nating gabayan sila habang nilalabanan ang kasamaan?" tanong ni Eli.


"Malaki ang maitutulong ng mga guardian natin pero... alam kong hindi pa din sapat iyon. May pusibilidad na, matalo tayo sa pagkakataong ito." sagot ni Trias.


"Tama ka diyan, Trias. Kaya naman... naisip kong kailangan na nating maghanap ng pagmamasahan natin ng kapangyarihan." seryosong sabi ni Aku.


"Pero bakit, Aku?" tanong ni Azure.


"Hindi niyo ba napapansing nanghihina na ang mga kapangyarihan natin? Dalawang daang taon na tayo nagsisilbing gabay sa mga tao sa mundong ito, kahit na sabihin pa nating panghabang buhay nga ang ating mga kapangyarihan, ang katawan nati'y mapapagod din balang araw. Gaya ng sabi ni Houji, tao din tayo noon, at kapag mas malakas ang kapangyarihan natin kesa sa ating katawan, mamamatay tayo at mananaig na sa pagkakataong ito ang kasamaan. Alam kong masakit pero yun ang katotohanan. At ito lang ang naiisip kong paraan para mailigtas ang sangkatauhan." paliwanag ni Aku.


Sa ilang sandali ay nanahimik silang pito hanggang sa itinaas ni Houji ang kanyang kamay.


"Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Aku. Bukas na bukas din, maghahanap na ako ng papalit sa akin." sabi ni Houji at napangiti lang ang mga kasamahan niya sa kanya.


Dito, sumang-ayon na silang lahat sa paghahanap ng susunod na kanilang tagapagmana. At dito na din magsisimula ang bagong kwento ng kasalukuyang mundo.



Chapter One 

The Kiss that changed her Fate 


 


Kalahating taon na naghahanap ng taong karapat-dapat sa kanyang kapangyarihan si Houji pero wala pa rin. Kadalasan, ang mga taong nakakasalamuha niya ay puro sarili lamang ang alam intindihin. Malapit na siyang mawalan ng pag-asa ng sa ika-anim na bwan ng kanyang paghahanap, napadpad siya sa isang mataong lugar at nagpanggap na isang pulubi sa daan.


Dahil sa kanyang hindi kaaya-ayang anyo, karamihan sa kanyang hinihingan ng tulong ay sinusungitan siya. Ang pinakamalala pa, humantong ito sa puntong sinasaktan na siya. Kung gugustuhin niya, matatalo niya sa isang tira lang ang lahat ng taong nandito pero hindi pwede. Kailangan niyang tiisin ang lahat ng ito para mahanap na ang tamang taong papalit sa kanyang pamumuno.


Kasalukuyan siyang nakapaligo sa kanyang sariling dugo habang sinisipa ng mga kalalakihan ang kanyang sikmura. Napakuom siya ng kamay at halos gamitin na ang kanyang kapangyarihan ng biglang tumigil ang mga kalalakihan sa pagbugbog sa kanya at napalingon sa kanilang likuran. Isang dalagang babae ang matapang na humarap sa kanila.


"Hoy! Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa kanya ha? Grabe! Di na kayo naawa!" sigaw ng dalaga habang nakaturo ang daliri sa mga lalaki.


"At sino ka din ba sa tingin mo para hamunin kami ha?!"


"Ha? Eh pinagsasabihan ko lang naman kayo ah! Hindi ako naghahanap ng away noh. Haha...ha... lagot..." halata sa mga tuhod ng dalaga ang panginginig niya dahil sa takot.


"Hah. Akala mo ba palalampasin namin ang ginawa mo? Humanda ka!" nagsitakbuhan ang tatlong lalake papunta sa dalaga. Napaastras ito at sumigaw ng napakalakas.


"UWAAAAAH!!!! TULOOONG!!! PULIIIIS!!! MAY MGA HOLDAPER DITO! UWAAAAH!!!"


"Hoy! Ano ba - "


*police siren*


"Tsk. Sibat na!" Nagsitakbuhan na sila papalayo sa lugar na iyon. "Lagot ka sa'min sa susunod, babae ka!"


"Heh... effective pala 'tong police siren na ringtone, eh. Nabasa ko lang to pero infaireness!" Biglang natauhan at nilapitan ang sugatang pulubi na si Houji. "Ayos lang po ba kayo?" tanong niya at agad na pinunasan ang mga sugat ni Houji gamit ng kanyang panyo.


"Ayos lang ako." pinigilan niya ang kamay ng dalaga, "Kaya naman hindi mo na kailangang gamitin ang panyo mo sa mga sugat ko. Sayang naman... mukhang mamahalin."


"Haha.. ano ba naman kayo, manong. Hindi mamahalin 'to noh. Bigay to ng mama ko na namatay na. Hehe..."


"Kung ganun, mas may dahilan kang itago yan di ba?"


"Tama po. Pero... kung mawala man 'to dahil sa pagtulong ko sa inyo, ayos lang din. Alam kong hindi magagalit ang mama ko sa langit. Kaya hayaan niyo na po akong pigilan ang pagdurugo ng mga sugat niyo. Sasamahan ko na din kayo sa ospital."


"Pero... isa lang akong pulubi. Wala akong perang panggastos sa ospital."


"Naku, okay lang po. Kakasweldo ko lang sa part time job ko kaya ako na po ang bahala." ngumiti lang ang dalaga sa kanya at kalaunay tinulungan ng makatayo at sinamahan na sa ospital at pinagamot.


"Hija, maraming salamat sa pagtulong mo. Kahit na ganito ang itsura ko... hindi ka pa ring nag-alangang tulungan ako."


"Wala pong anuman. At saka, hindi naman basehan ang itsura ng isang tao para makatanggap ng tulong galing sa iba. Sumusobra na kasi ang mga lalaking yun! Hindi na sila naawa sa inyo. Hmp!"


"Kung ganun... naniniwala ka pang may mga tao pang mabubuti sa mundong 'to kahit na... marami ng masasamang nangyari?"


"Hm? Siyempre naman po. Haha, naniniwala po kasi akong mabubuti ang mga tao mula noong isinilang sila. Kaya lang, dahil sa environment na kinalakihan nila, hindi maitatangging pwede silang maging masama. Parang tabula rasa...?  Hehe.. ay pasensiya na po ah. Nag-rereview kasi ako ngayon para sa exams namin eh. Hehehe.. pasensiya na po talaga."


"Ang talino mo naman... ah.."


"Ay! Ako nga po pala si Narumi. Narumi Fujioka. Hehe, at hindi po ako matalino. Ang totoo po niyan, puro pasang awa lang ang mga grades ko. Hahaha..."


Palihim lang na ngumiti si Houji habang nagkukwento si Narumi tungkol sa mga nangyari sa kanya. Interesado siya sa babaeng ito kaya naman, nagdesisyon na siyang bantayan si Narumi.


Matapos ihatid ni Narumi si Houji sa kunwaring bahay niya sa gilid ng kalsada, umuwi na ito sa kanyang tinutuluyang apartment. Di niya alam na sinusundan na siya ni Houji bilang isang paru-paru.


Nagtagal ang pagmamatyag ni Houji kay Narumi ng halos dalawang buwan, at sa bawat araw na nakikilala niya ang dalagang ito, napapangiti lang siya. Siya na ang hinahanap niya. Si Narumi na ang kanyang tagapagmana.




*****
NARUMI
*****


"Narumi..." he leaned towards my face and planted a sweet kiss on my forehead, "Simula sa araw na ito, taglay mo na ang kapangyarihan ko." He smiled and suddenly faded like ashes in the wind.


Uwaaah! Pambihira! Dahil sa weird na panaginip na 'yun kagabe, hindi na ako nakabalik pa sa pagtulog!!! Nakakainis naman eh. Psh. Tigilan ko na kaya muna ang panonood ng anime? Haay....


*beeeeep* beeep* beeeeep*


"Hoy!" may kamay na sumulpot mula sa gilid ko at bigla akong hinila papunta sa gilid ng kalsada. "May plano ka bang magpakamatay ha?!"


"Eh? Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko sa lalaking nagligtas sa akin. Naku naman! Ang gwapo ng nilalang na ito!


"Tsk. Ganyan ka ba kapurol yang utak mo at hindi mo na alam ang ginagawa mo ha?"


Psh. Gwapo nga suplado naman! Di bale na! Crush na sana kita eh! Hmp! "Pasensiya na din ha. Pero magtatanong ba ako sa'yo kung alam ko ang nangyari sa'kin?"


"Hah. Sa sobrang tanga mo kasi nagawa mong maglakad sa gitna ng kalsada. Kanina ka pa pinag-uusapan ng mga estudyante pero parang bale wala lang sa'yo. Walang hiya ka ba talaga ha?"


"Ha?! Haay... may iniisip lang kasi ako." Psh. Nakakainis naman oh! Nawawala na ba ako sa sarili..?


"Pfft. You're weird." ngumiti siya. Pang-asar na ngiti pero ngumiti siya. At - hay! Ba’t ba kasi ang gwapo niya?! “O siya. Tutal ligtas ka naman, aalis na ako. At pakiusap lang, huwag mo ng ipakita ang pagmumukha mong yan sakin. Sige!” at nagsimula na siyang maglakad papalayo sa’kin.


Naku! Hindi pa pala ako nakapagpapasalamat sa ginawa niya. “Hm, salamat sa tulong.” sabi ko sa hangin at naglakad na din papasok sa school ko.


Nang naka-upo na ako sa upuan ko sa tabi ng bintana, lumitaw na naman ang blue butterfly na ito sa isang puno malapit sa kinaroroonan ko. At gaya ng parati kong ginagawa, nginingitian ko ito. Ewan ko ba... kapag nakakakita akong ganun, nagiging masaya ako.


“Okay, class. Before we start our proper lesson, let me introduce your new classmate for this year.”


May pumasok na isang lalaki sa classroom at biglang napatili ang mga babae habang nainis naman ang mga lalaki. Pinagmasdan ko siyang mabuti at - HAAAAAAA?! Siya yung....


Sinabihan siyang maupo sa bakanteng upuan ng professor namin. Ang bakanteng upuan natitira..? Sa tabi ko lang naman. Nang nakaupo na siya, agad niya akong binalingin ng naiinis na tingin.


“Sinabi ko na sayo kaninang huwag ng ipakita sakin ang mukha mong yan, di ba?”


“Pasensiya na ah. Hindi ko naman kasi inaasahan na kaklase pala kita. Ikaw yung transfer student di ba? Magpa-reschedule ka na lang para di na tayo magkita.”


“Hmp. Huwag mo nga akong kausapin.” *snob*


“Anong -” Grabe! Siya ‘tong nauna tapos ako pa ang maiitsyapwera?! Pambihira!!!


Pagkatapos ng first period class, may 30 minutes vacant kaming lahat. At dahil nauuhaw na ako dahil di ko naman makausap ng maayos ang seatmate ko. Ano bang pangngalan nun? Haru yata. Hmp. Ewan.


Naglalakad ako sa corridor pabalik ng classroom habang umiinom ng chocolate drink na binili ko sa vending machine ng may nakita akong isang maliit na cotton ball na nakadikit sa bintana.


“Sino naman kaya ang nag-iwan nito dito?” kinuha ko ito at tinapon sa basurahan. Pero - sa halip na pumasok ito sa bunganga ng basurahan, nanatili itong nakalutang sa ere.


“O... kay...? Haha... ang weird. Sige, kulang lang siguro ako sa tulog. Makaalis na nga.”


*squeal* “Narumi! Narumi! Narumi!”


“Eh?! Sinong tumatawag sa’kin?! Wala namang tao dito ah...? Hala.... nababaliw na ba ako..?”


*squeal* “Narumi! Narumi! Narumi!”


Ang lumulutang na cotton ball ay biglang lumitaw sa harap ko.


“Waaah?!” Ang cute na cotton ball ay biglang nagkaroon ng mahahabang pangil at mapupulang mata -?!


*squeal* “Narumi! Narumi! Pwede ba kitang kainin?” Pwede ba kitang kainin?”


“Ha?!” Bakit ba niya ako tinatanong?!


Tumakbo ako ng mabilis papalayo sa kanya pero palagi niya na lang ako nahahabol.


*squeal* “Pwede ba kitang kainin? Pwede ba kitang kainin?”


At bakit paulit-ulit siyang nagtatanong sa’kin ng ganito?! Ano ba siya?!!!


Sa pagtakbo ko, nakaabot na ako sa rooftop ng building namin - at dead end na?!


*squeal* “Narumi! Narumi! Narumi!”


Habang lumalapit siya sa’kin, mas lumalaki ang kanyang bunganga. Kitang-kita ang kanyang paglalaway sa’kin bilang pagkain niya.


“Whaaa! LUMAYO KAAAAA!!!!”


*squeak*


Ang cotton ball monster na iyon ay biglang lumayo sa’kin pagkatapos ko siyang sigawan at isang bula ang biglang pumulupot sa kanya. Pero sana di ko na inisip na natakot siya dahil mas mukha siyang galit ngayon sa ginawa ko. Eh ano ba ang ginawa ko...?


May itim na usok na lumalabas mula sa katawan niya. At kung dati ay maliit lang siyang may pangil at mapulang mga mata, ngayon ay mas lumalaki pa siya. Makalipas ng ilang sigundo, kasing laki na siya ng kalahati ng 8-story building ng school at nabasag na ang crystal na bulang nakapalibot sa kanya.


Teka lang...  *sinampal ang sarili*


“Awwtsuu..! Totoo nga. Hindi ako nananaginip?!”


Eh? Eh? Eh?!!!!


*deep loud voice* “Narumi. Narumi. Kakainin na kita!”


“Ha?! Hindi pwede! Masyado pa akong bata para mamatay! Second year college pa lang ako! Kaka-18  ko lang last month, at saka... at saka.... wala pa akong boyfriend kaya hindi pwede!!!”


“Hahaha.... ‘yan lang ang dahilan mo kaya ayaw mong mamatay? You’re really weird.”


“Eh - Haru?” nakatayo lang siya ngayon sa isa sa apat na posteng nakapaligid sa rooftop. “Hoy! Bumaba ka diyan! Baka malaglag -”


Tumalon siya mula sa mataas na posteng yun na hindi man lang nasasaktan ang kanyang binti. May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman habang nakaharap na halimaw na cotton ball.


“Nagpakita lang din ang halimaw na ‘to sa’yo, hindi na ako magpipigil.”


“Magpipigil?” nagpalabas siya ng isang dahon mula sa bulsa niya at idinikit ito sa noo ng halimaw na cotton ball. “Whaaa?! Sa tingin mo ba matatalo siya ng maliit na dahong yan? Baliw ka ba?”


“Tsk. Ang daldal mo talaga. Kailan ka ba tatahimik ha?” binalingan niya na naman ako ng masamang tangin. Naku! Kung di ka lang gwapo snob ka na sa’kin!


Tinignan niya ang halimaw at nagsulat ng isang salita sa hangin. SLAY. Pagkatapos niya itong gawin, nahati sa dalawa ang katawan ng cotton ball monster.


*poof* Nawala na lang ito na parang bula.


“O ano? Baka gusto mong bawiin ang sinabi mo kanina tungkol sa dahon ko?” pagmamayabang niya.


“Oo na. Teka, puno ka ba? Ba’t may mga dahon kang dala-dala?”


“Sa hitsura kong ‘to mukha pa akong puno para sa’yo? Marami na talagang kalawang yang utak mo noh? Tsk. Bakit ba kasi ikaw pa ang pinili ni Houji eh.”


“Eh malay ko bang isa kang punong nasa anyo ng tao? Sa nangyari sa’kin ngayon lahat yata pusible ng mangyari. At sino ba ang Houji na sinasabi mo diyan? Wala naman akong kilalang Houji ang pangngalan. Teka... sampalin mo nga ako pwede?”


“Ha?”


“For confirmity purposes lang. Sinampal ko na ang sarili ko kanina dahil akala ko panaginip ‘to. Pero hindi eh. Sa kabilang banda baka naman ito na yung double dream na sinasabi nila? Stressed lang ako kaya ganito ang mga nangyayari sakin. At ikaw....? Oh yeah. Nananaginip lang nga ako. Impusibleng magkaroon ako ng ganyan kagwapong kaklase! Tapos -”


*SLAP*


“Araay! Masakit yun ah!” Pambihira! Tinutoo niya talaga ang pagsampal sa’kin?


“Tapos ka na?” tanong niya. Halatang naiirita na siya sa’kin.


“Meron pa sana. Nakalimutan ko na. Hmp.” Aww... ang sakit pa din eh.


“Sa lakas ng pagkasampal ko sa’yo, sigurado akong kapag tulog ka ngayon, magigising pati kaluluwa mo. So? Maniniwala ka na bang totoo ito ha?”


“Kung totoo ang halimaw na yun... bakit tayo lang ang nakakakita sa kanya? I mean, may powers ka kaya nakikita mo siya at natalo dahil sa dahon na dala mo. Pero... ano naman ang rason kung bakit ako gustong kainin ng halimaw na yun? Hindi naman ako malaman ah! Puro buto na nga lang ‘tong katawan ko eh!"


"Hindi naman kasi katawan mo ang habol nila. Ang nasa loob ng katawan mo ang gusto nilang makuha."


"Ha??! Aanhin nila ang mga bituka ko? Gagawing isaw?!"


"Aixt! Pambihira! Ganyan ka ba talaga ka babaw ha?!" Nagagalit na naman siya...


"Hindi naman 'to kababawan noh! Realistic lang talaga ako!”


“Realistic? Hah. Eh ito nga ang realidad oh! May mga halimaw na naghahabol sa’yo dahil diyan sa kapangyarihan na ibinigay ni Houji sa’yo. Siguro nga hindi mo siya kilala pero wala ka ba talagang kahit anong naalala tungkol sa isang lalaking hinalikan ka sa noo?”


“Lalaking.... hinalikan ako sa... noo..?” Hmmm... parang meron yata.. pero - “Ah! Meron nga akong naaalala. Pero, panaginip ko yun eh. Hehehe... don’t tell me na totoong may pumasok sa kwarto ko at hinalikan ako sa noo? Oh... my....”


“Hay... pero wala na tayong magagawa. Binigyan ka niya ng kapangyarihan kaya parati ng malalagay sa panganib ang buhay mo.”


“Ha? Paano yan? Kung anuman ang ibinigay niya sakin - hindi ko naman ‘yun alam gamitin kaya mamamatay lang ako kung sakaling may halimaw na namang magtatangkang kumain sa’kin di ba?”


“Kaya nga ako nandito eh.”


“Ha? Anong ibig mong sabihin?”


“Ang ibig kong sabihin ay ito.” Nilapitan niya ako at - hinalikan?! O////___////O Gusto ko man siyang sampalin at bugbugin dahil sa ginawa niya sa’kin, hindi ko magawang igalaw kahit daliri ko sa kamay.


“Ba... ba....bakit mo naman yun ginawa...?” First kiss ko yun eh...!


“Ang halik na yun ay paraan ng pagkompleto sa kontrata. Kaya huwag kang kiligin diyan! Hmp. Simula sa araw na ito, ako na ang magiging tagapagbantay mo, Narumi.”


“Sus. Napipilitan ka lang eh. Hmp.”


“Anong - hay! Oo, napipilitan nga lang ako sa’yo. Kung lalaki lang sana ang pinagpasahan niya, hindi ko na kailangang mahalikan! Tsk.”


“Uyy,,, kung ganun first kiss mo din ako? Hahaha.”


*death glare* “Shut up.”


First kiss nga niya ako. Hehehe... “Pero kung napipilitan ka lang, bakit mo pa ginawa ‘yun? Pwede ka namang umayaw di ba?”


“Tama. Pero yun ang kailangan at ang dapat kong gawin kung gusto kong maging maayos ang mundong ‘to.”


“Ha?” Wala pa talaga akong alam sa mga sinasabi niya tungkol sa mundo. Ano bang meron..?


“Marami ka pang dapat matutunan tungkol sa lahat, Narumi. Kaya kailangan mo ng maglipat ng bahay at doon na tumira sa templo kasama namin.”


“Ano?! Hindi pwede -”


“Hm? Ayaw mo? Sayang. Libre pa naman ang lahat.”


Libre?! As in?! “Hahaha, okay-okay! Kailan ako lilipat?”


“Pagkatapos ng klase na’tin.”


“Okay!”


*school bell*


“Tayo na? Magsisimula na ang sunod nating klase.” sabi ko at tumakbo na papuntang  pintuan.


“Isang bagay pa pala.” sabi niya ng nakalapit siya sa’kin ng pababa na kami ng hagdan.


“Ano yun?”


“Huwag mong hayaang may iba pang makahalik sa’yo.”


Napatigil ako sa sinabi niya, habang siya naman ay patuloy pa din sa paglalakad.


“Oi! Kung gusto mong magpahuli sa klase, bahala ka.”


“Teka lang!” hinabol ko siya. At buong araw ko na yatang inisip ang tungkol sa sinabi niya.


“Huwag mong hayaang may iba pang makahalik sa’yo.”


Ano ba ang ibig sabihin nito...?


*****
HOUJI
*****


“Narumi.... sana kayanin mo ang mga haharapin mong pagsubok sa mga darating na araw ng buhay mo. At sana... mabago mo din ang puso ni Haru. Parati lang akong nandito at nagmamatyag sa’yo. Mag-iingat ka, Narumi.”